Friday, July 19, 2002

Walang Pamagat

Gusto kong magtagalog ngayon. Wla lang. kakapagod kasing mag-isip pa kaya isusulat ko na lang lahat ng nasa isip ko.

***
Isang cute na story mula sa makulit kong pamangkin. Kaninang umaga, as usual, nagkulitan na naman yung sister-in-law ko tsaka si Russel, yung pamangkin ko. Kasi ba naman, ayaw magpalagay ng pabango/ cologne. Kasi sabi ni Mommy nya dapat maglagay ng pabango para mabango pag kiniss ni Maam. Sagot naman ni Russel na makulit, "Eh, Mommy naglagay ako ng pabango kahapon, pero hindi naman ako kinissan ni Maam eh." Ang lagay pala, naghintay na kissan ni Maam. Hmmm... okay ah. Maliit pa playboy na...Hehehe...May pinagmanahan...

***
Tinawagan ako ng isang research company kanina. Kailangan yata ng Executive Interviewers para sa Wastewater research nila. Ganda pakinggan no? Eh sa totoo lang magiinterview ka lang ng companies for data gathering. yun lang. Sabagay, okay na din yun. Free time naman eh. Masubukan nga.

***
Hanggang dito na muna. Hay, kumokonti na ng kumokonti ang nagpupunta dito sa page ko. Sabagay, Busy naman kasi ang mga tao. I think I need to change something. Hay buhay...